Isa sa mga palagi kong inaabangang event sa school ay ang election ng Student Council. Gusto ko kasing makita yung mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon at yun tipo bang magamit yung karapatan na mamili kung sino ang gusto mong mamuno sa school mo. Syempre, etong sinabi kong ito ay equated din sa pagnanais kong makaboto sa National Elections. 1st time ko kung saka-sakali this coming May. Pero mabalik tayo sa mga Student Council dito sa ating paaralan at unibersidad. Oo, sabik talaga ko pag may ganito kasi maingay, magulo at kung swerte, naaantala yung klase dahil sa mga room campaigns nila. Subalit sa totoo lang, mas mabigat pa rin yung feeling na ayaw ko ng mga ganitong scenario.
Noong high school kasi ko, honor student ako nun at iniiexpect nila palagi na pag honor ka, tatakbo ka ng Student Council. Takot pa ko nun sa tao, nahihiya ko palagi kaya naman yung room-to-toom campaigns na yan, kinakatakutan ko yan. Swerte lang ako nung 4th year kasi part ako ng Student Publication noon at syempre, kapag media ka, bawal ka sa politics. Pero dahil kakabit na ng pagiging honor student ang pagpaparami ng extra-curricular activities, ipinilit ng principal namin na tumakbo pa rin ako kahit Senator lang. Nanalo naman pero sa tingin ko, iyon ay dahil sa status ko nun sa school namin. Keywords: Extra-curricular activities; status.
Nang mapunta na ko ng college, pansamantalang naging MIA (Missing in Action) yung inenjoy kong status nung nasa high school pa ko, o siya siya, sasabihin ko na, yung “kasikatan” ba kumbaga. Sabihan nyo na ko ng mayabang, wala kong pakialam. Blog ko naman to at saka hindi rin naman yun ang purpose ng paggawa ko ng blog na ito. Makikita niyo mamaya kung ano iyon. Back to the topic, di naman nagtagal yung sinabi kong MIA na yun kasi parehas lang yung school ko nung high school at yung pinasukan kong college 2 years ago. Kumbaga, na-carry over lang. Last year, medyo lumaganap na nga yung usapang tatakbo ko ng President ng Student Council. May running mate na nga ko eh saka jingle. “TANG na kayo!” at ang kinakatakutang “TANG-INNA tandem.” Dyan pa lang, nagkatalo na. Di natin maiiwasang isipin na lamado na kami kasi astig yung naisip naming jingle pati tandem, sama na rin natin yung status ko pero lahat ng iyan ay nabalewala nang lumipat ako ng university. Keywords: Missing in Action.
Baka naman isipin nyo na life story ko itong blog na ito, introduction ko lang iyon. Ang totoo, may kaibigan ako na naglalayong mulatin yung mga kaisipan ng mga estudyante pagdating sa mga Student Council na yan at suportado ko siya kasi malinis yung intesyon niya at hindi rin naman siya pulitiko sa paaralang iyon. Concerned citizen lang siya pero para sa akin, mas kailangan yun ng isang paaralan o student body kaysa sa mga estudyanteng tumatakbo sa mga elections na yan na ang totoo, above all, personal interest pa rin nila yung iniisip nila. Asa pa kayong kayo iniisip nung mga yan. Kaya nga napa-thank you ako nung nakaalis ako sa dati kong university. Atlis, nabawasan yung magagawa kong kasalanan. I’m asking myself kasi kung sakaling tatakbo nga ko, bakit ko naman gagawin yun? Kasinungalingan pag sinabi kong for the welfare if the students ang reason. Sa totoo lang, mapapataas ko lang yung status ko pag ganun, may medal pa sa graduation, plus factor sa bio-data at sankatutak na leadership seminars na hindi naman development ang habol kundi yung feeling na nakapunta ka sa lugar na iyon. Masyado ba kong matapang o hambog sa mmga sinasabi kong ito? Wala kong pakialam. Di naman ako pinanganak para i-please kayo eh. Keywords: personal interest.
Dumako na tayo sa mga tumatakbo na yan. Kung ako sa inyo, pag nagka-campaign sila sa rooms niyo, wag niyo silang tanungin tungkol sa platforms nila. Unahin nyo yung tanong na, “Bakit po ba kayo tumatakbo?” Eh kasi kung tutuusin, hassle lang yan eh. May report ka, ipapasang project, defense na kailangang pagplanuhan etc. tapos isasabay mo pa yang “dedication” mo sa Student Council, di ba? Doon pa lang, nagkatalo na. Syempre ang isang normal na estudyante eh uunahin muna ang sarili bago ang lahat kaya kung pipili kayo ng iboboto niyo, siguraduhin niyong yung maraming time para naman kahit papaano eh makikita niyo siya sa office. Hindi yung kung nasaan mang lugar na related sa Acads niya. Keywords: dedication, Acads.
Ano nga ba ang real intention ng isang estudyante kung bakit siya tumatakbo sa mga ganyang bagay? Simple lang, something personal. Paki ba niya kung bagsak ka sa EEE o sa isa mong GE, di ba? Totoo naman yung sinasabi nilang, makabubuti yan sa kanila kasi nadedevelop nga naman talaga sila sa ilang aspeto. Physical: kailangang pogi o maganda para dagdag points. Intellectual: pag matalino ka, shoo-in ka na! Social: dapat friendly ka kahit di mo ka-close, kausapin mo! Lambingin mo! Emotional: syempre, paawa effect kung minsan. Moral: bait-baitan ang drama. Tulong dito, tulong doon. Lastly, spiritual: Todo-dasal every night na sana manalo sa election. Ma-iimprove nga naman talaga yung leadership skills nila kaya ganun pero parang may missing. Nasaan ang student body? Layunin nga ba talaga nilang makatulong? Teka, let me rephrase that one. Layunin nga ba talaga nilang makatulong sa mga estudyante?
Hindi naman sa sinisiraan ko yung mga tumatakbong iyan pero di na rin naman talaga natin maiaalis yung ganyang attitude eh. Going national, tingin mo ba yung oposisyon na yan eh mahal ang bayan kaya nakikiisa sila sa pagtuligsa sa CHA-CHA? Hindi! Kasi ang totoo, gusto naman nilang sila naman ang humawak ng gobyerno para makakaurakot na rin sila. Inggit lang sila sa administrasyon. Going local, dun tayo sa mga ka-level natin. Yang mga SK na yan, bakit sila tumakbo? Dahil sa sweldo at scholarship, di ba? Nakakakurakot din sila in their own simple way. Kahit naman tayo eh, mga simpleng mamamayan, kurakot din tayo sa sarili nating paraan eh. Kaya nga nakakapalan na rin ako sa iba na masyadong makayurak kay Gloria dahil sa pagiging kurakot raw niya. Eh pare-parehas lang naman tayo eh. Isa pa, eto pinaka-ayokong linya tuwing eleksyon: “Di na ko boboto, wala namang nangyayari eh” tapos after a while, sasabihing, “Wala namang nagawa yung pangulo na yan eh, wala namang nagbago eh! Mahirap pa rin kami.” Ulol! Eh hindi ka nga bumoto tapos may gana ka pang sabihin yan. Eh kung sana bumoto ka pati na rin yung mga katulad mo, eh di sana iba nanalo. Saka di rin naman madali ang magpatakbo ng isang bansa eh. Ilan tayong kailangang pakainin ni Gloria tapos sa kanya mo iaasa ang lahat? Knug di ka umunlad, kasalanan mo rin iyon, di lang niya. Ang susi lang naman kasi para umunlad tayo eh nasa sa atin din eh. Kung kikilos tayo, magsisikap at magkakaisa, e di ok sana! Eh sa halip eh watak-watak tayo eh. Pano tayo uunlad niyan!?
Ok, tama na. Bumalik na tayo sa talagang topic natin. Minsan kasi pag sinabi nilang matalino eh ok na. Siya na yung iboboto. Magbigay na lang tayo ng example: nung date kasing nagkaroon ng election sa amin, para kasing sinasabi ng mga prof na kung ihahambing daw yung dalawang presidentiables, eh mas matalino raw itong si A kaysa kay B. Sa loob-loob ko, di naman talaga sukatan yung talino eh. Kung ako kasi tatanungin, oo nga lamang sa talino si A pero lamang naman sa gawa si B. Kanino ka pag ganun? Matalino nga siya pero di naman tayo sure kung marami siyang magagawa. Si B naman na lamang sa gawa eh di naman nangangahulugang tanga na porket mas matalino sa kanya si A. Kaya nga marami yung ibinoboto eh kasi nga team effort yung pagpapalakad ng isang council, di lang siya one-man team.
Keywords: talino.
Sa labanan ng mga beterano at baguhan, delikado tayo diyan. Beterano nga sila, pero may nagawa naman ba sila? Meron siguro pero ang kailangan ng student body siguro eh yung may malaking impact sa kanila, hindi yung pang isang lingo lang. Baguhan nga sila, e di ibig sabihin may bago na naman tayong pag-asa pero sure ka naman bang kaya nila? Novice pa lang sila at sa kanila mo iaatang yung isa sa mga mabibigat na tungkulin bilang estudyante? Mahirap talagang bumoto nang matino. Kasi kung tutuusin, napakadali lang kayang bumoto. Isusulat mo lang naman yung pangalan nila. Kapag tamad ka, e di yung maikli na lang yung pangalan ang isulat mo. Ganun din sa pagpili, kung sino ang kakilala at kaibigan, siya na ang iboboto. Masama pa nga nito, kung sino maganda, yung mga pa-cute, eh sila pa nananalo. Sana naman di porket kakilala mo lang eh, siya na ang winner sa’yo. Di porket parehas lang kayo ng course eh siya na ang Knight in Shining Armor mo. Dapat marunong kayong magtimbang. Kung baboy yan, syempre mas pipillin mo yung mas mabigat at malaki kaysasa maliit pero ang di mo alam, mas may laman naman pala talga yung di mo pinili. Ganun din sa pagboto, di porket sikat, artistahin eh siya na ang pipiliin. Di naman sa sinasabi kong wala silang “K” pero ingat lang sa pagpili. Di dapat iyon ang basehan sa pagpili ng iboborong kandidato.
Isa pa, alamin mo rin kung ano ba talaga ang intension nila kung bakit sila tatakbo. Gusto lang ba nilang magka-award sa graduation kaya ganun? Magbibigay ako sa inyo ng dalawang example: Una, may isang natalong kandidato dati nun sa presidency at katatalo pa lang niya eh sinisiraan na kagad niya yung nanalo. Wala raw magagawa. Sinabihan pa ngang makapal yung nanalo pag tinanggap niya yung Leadership Award sa Graduation tapos wala naman siyang nagawa. Una sa lahat, bitter siya kasi di pa man nagsisimula yung termino ng nanalo eh hinuhusgahan na kaagad at ikalawa, inggit siya kasi may award yung kalaban niya. Eh di lumabas ang totoong intension. Medal lang pala ang gusto kaya tumakbo. Isa pang example, isang honor tinalo ng isang ewan ko ba kung anong uri siya ng estudyante. Tama rin naman yung ginawa ng mga estudyante sa pagboto nila kasi alam nilang kaya lang naman tumatakbo sa pagkapresidente si honor student eh dahil kailangan iyon pag nagkompyutan na ng mga grades. Ilan lang yan sa mga madidilim at tinatagong intension ng mga Student Council wannabe’s kaya ingat lang at pigain niyo naman sila para makita niyo kung sino yung marumi at malinis talaga.
Idagdag ko lang ito. Dati kasi akong writer ng Student Publication namin at ang kadalasang ibinabato sa amin eh bakit daw hindi namin tantanan ang council sa paninira sa kanila. Ang sa akin lang, hindi kami ang gumagawa ng kasiraan nila. Sila iyon. Bilang writers, responsibilidad namin ang isulat ang kung anuman sa tingin namin ang hindi tamang nangyayari sa paligid. Kung ako sa nga sa council, mas gaganahan pa kong maglingkod kasi once na nakagawa kami ng maganda at minahal ng mga estudyante, pahiya lang yung mga writers na yan, di ba? Pero ang sa amin lang, trabaho lang po, walang personalan. Dapat nga siguro magpasalamat pa ang mga tao sa mga writers ngayon kasi kung di dahil sa mga yan, walang matapang na gagawa ng kasamaan o pandaraya kasi takot lang nila. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ako lumipat ng university. Walang press freedom. Innisip kasi nila yung status ng school pero sa totoo lang, may ilang flaws yung system nila na dapat i-address.
Ok na siguro to. Ang haba na ata ng nagawa ko eh. Kung may nakalimutan man ako, ihahabol ko na lang. 1st time ko rin atang gumawa ng blog sa Tagalog, takot na ba sa English? Hehe, hindi naman. Kapag kasi gusto kong mai-express ng maayos yung pananaw ko, Tagalog ginagamit ko kasi mas naiintindihan pag Tagalog para malinaw yung point of view na gusto kong ipasa sa readers. Comment lang kayo kung gusto niyo. Kung sa tingin niyo eh medyo taliwas yung pananaw natin sa ilang bagay, feel free to post it here. Mas ok pag nagsasalita tayo kaysa naman kung kelan tumalikod saka tinira. Ikaw pa lumabas na masama nun. Hehehe. Medyo natagalan nga pla yung pinangako kong blogs. Naging busy kasi masyado. Yun kasing mga blogs na iyon eh tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ako lumipat at kung anu-ano yung mga ginawa ko sa dati kong paaralan sa huling isang buwan ko doon. KLY’s Last 28 days there kumbaga.
No comments:
Post a Comment