31 July, 2009
THE ART OF TRANSFERRING: KLY’s Last 24 Days in BU
DAY 1: March 2, 2009
• Review mode the whole time sa jeepney – Yeah! I am really doing that before lalo na kapag di ako nakapagreview the night before the exam.
• There’s a new project on Eco – ito ata yung mag-iinterview ng isang cooperative.
• Eco exam was postponed – As far as I remember, di pa raw napiprint ang mga test papers kaya naman I was really annoyed that time, saying lang yung effort ko sa pagrereview.
• No quiz also in Mechanics – Isa pa ‘to. Well, as I had expected, ganyan naman talaga si Sir eh, nananadya.
• Discussion lang sa Engineering Mechanics at Environmental Engineering
• New rule sa Advo – As far as I remember, eto ata yung rule na kapag free ka during that day and time, you are required to join the campaign. In my case, my vacant hours are mornings of M-W-TH-S and 10 am onwards during Tuesday.
• Ulcer alert – My stomach is aching during those days and I’m worried – darn it!
• Internet at DL pag-uwi
• Late nang natulog
• Tiring day!
• RATING: GOOD!
DAY 2: March 3, 2009
• Rainy day
• Not so boring PE, enjoy naman – Tumana kami nun
• Nagpass ng excuse letter to Ma’am Vana – regarding my absence on Advo campaign because of Ulcer alert.
• Umuwi kaagad – pagod kasi at kulang sa tulog
• Nakatulog pag-uwi – Darn! I miss those days. Yung umuuwi ako before lunch lulan ng bus. Nag-aabang ako palagi sa hi-way. =(
• Nakachat si Heart – I miss her now. =(
• Gumawa ng assignment sa Mechanics – 11 out of 15, eto ata yung mahirap eh.
• Annoyed with some Advos – I forgot who they are but I think, if you’re an Advo, my idea ka kung sino sila.
• I just felt that the tiem I have is not enough – ewan ko, nabasa ko lang iyan sa journal ko.
• Super tiring!
• RATING: FAIR!
DAY 3: March 4, 2009
• Campaign sa Colegio de Sta. Monica de Angat – Paolo laughed on Robert, di kasi siya nakapagsalita, sinapawan ni Jovel.
• No softdrink in lunch
• Ulcer attack!
• Physics and Differential Equations discussion
• I felt sorry for Paolo – Pinagtripan kasi namin siya ni Ivan.
• Watched English speeches – tapos na ko nun. Ryan’s speech is superb!
• Sakay kaagad ng bus
• Gumawa lang ng assignment sa Mechanics
• RATING: GOOD!
DAY 4: March 5, 2009
• Review mode paggising
• Gumastos ng malaki sa lunch
• 12:30 na nang pumasok
• OK naman yung Eco exam
• Bagsak na naman sa Mechanics exam
• Masaya naman discussion sa EE
• Evaluated Sir Manoy – honest ako sa mga answers ko
• Gumastos din ng malaki sa gabi – if I’m not mistaken, 7-11 food trip na naman ‘to with my true friends. I miss them. =(
• Internet lang pag-uwi
• RATING: POOR!
DAY 5: March 7, 2009
• Past 12 pm na pumasok
• Nagpass lang ng reaction paper – Without Seeing the Dawn
• Dumaan nang sandali sa dorm nina Jason
• Nanood ng concert – umuwi kaagad (:
• Sumakay ng aircon bus
• RATING: FAIR!
DAY 6: March 9, 2009
• Campaign sa Virgen delos Flores in the morning
• Stomachache and Tonsillitis attack!
• Evaluated Ma’am Santiago – Eco professor
• Eco discussion, as well
• Mechanics discussion, tinamad ulit si Sir
• NSTP meeting – di ako nakapunta, may class eh
• EE discussion – matagal nagsimula
• Chronicle meeting – OK naman
• Swerte sa bus
• Thrifty day!
• RATING: GOOD!
DAY 7: March 10, 2009
• PE class – wala ng hassle, tapos na kasing mag-finals, kami lang
• Picnic with HM classmates – Some of the were my friends already during the “Melo” era of my life.
• Umuwi kaagad via RL bus
• Internet lang at nanood ng Watchmen – Movie review kasi sa Chronicle
• “Wala lang” day
• RATING: FAIR!
DAY 8: March 11, 2009
• Jef and I looked for cooperative to be interviewed for our Eco project – muntik pa kaming maaksidente.
• Physics discussion
• Merienda ala Mango shake-Donut – I miss those days. =(
• Nilibre si Joi – lalake yan, Ivan Joi (lmao) I dunno kung bakit ko nilibre yan.
• Seatwork at discussion sa DE
• English discussion
• Tagal nag-abang ng bus
• Nakasabay si madaldal na Lance – kamusta na kaya yun, graduating na rin kaya sa wakas?
• Dilemma attack – UP or BU?
• RATING: GOOD!
DAY 9: March 12, 2009
• Nag-inquire sa Malipampang for Eco project
• Nabwisit na naman si Ocay the Kokey
• Eco discussion
• Recognition Day – 6 awards, most by any recipient that day. (yabang)
• Palipat-lipat ng upuan during the Recognition
• Got a lot of supporters – sabi nga ni Dean Surio, marami raw akong “pala”
• Sobrang confused kung lilipat pa ba?
• Pumasok pa ng EE pero wala ring klase
• 7-11 muna bago uwi
• RATING: GOOD!
DAY 10: March 13, 2009
• Nag-interview sa Malipampang
• “OK lang” yung interview
• Ginawa lang yung Eco at Physics project
• Wala talaga kong pasok nito, pero BU student pa rin role ko nyan kaya counted yan.
• RATING: GOOD!
DAY 11: March 14, 2009
• Physics, DE at English discussion – sorry kung paulit-ulit lang, I forgot na rin kung ano yug mga pinag-aralan namin that day.
• Had a talk with Marrose – forgot about it
• Nanghabol ng bus pauwi – tumakbo ko nun, makasakay lang
• B-day party ni Lola kaya maraming tao sa bahay
• Had a serious talk wih my Dad about possible transferring – first time ata naming nag-usap nang ganun, may beer pa although abstainer ako, abstainer pa nga ba?
• RATING: GOOD!
DAY 12: March 16, 2009
• Maagang pumasok – bumili kasi ng folder, nagpaprint, nagpapirma ng permit at picture for Krune.
• Eco quiz – may halong daya, open notes kahit bawal.
• Met new prof – Mr. de Guzman – “Are you with me?”
• Mechanics discussion
• Nagalit si Sir Manoy kay Kevin - ginawang cover-to-cover yung exam, maagang nagpalabas
• Nalibre nga pala ko ng meryenda – thanks sa nanlibre sa ‘kin. I forgot eh.
• RATING: GOOD!
DAY 13: March 18, 2009
• No Physics class kaya tambay mode for about 3 hours – if I’m not mistaken, eto ata yung nag-wifi si Junar sa Drawing room
• Nagpaturo kay Ma’am Amor sa DE – inopen-up ko rin sa kanya yung balak kong paglipat
• DE discussion
• Di na pumasok ng English - exam ng first batch and I’m 2nd batch
• Nanghabol na naman ng bus – di ko naabutan T_T
• Review sa Eco at EE pag-uwi
• RATING: GOOD!
DAY 14: March 19, 2009
• Kumain sa Sizzliing with Sagum and Ryan – balita ko sarado na yung kinainan namin ngayon
• Eco exam – nahirapan ako pero may poise pa rin sa pagsagot
• Mechanics discussion – nagalit si Sir, di raw kami matuto-tuto
• Nagparinig ata si Sir sa akin – he told us kasi na sa ibang schools raw eh di nagtuturo ang mga prof.
• Nasarapang magturo si sir, nagbigay pa ng assign – Yaka! I felt he was doing that kasi alam na nga niya siguro na lilipat aq, pasikat ata.
• EE exam – cover-to-cover raw, 1 chapter lang! 25 items pa! (angry)
• Kumain muna sa 7-11 with Joland, Gilbert and Joi bago umuwi – I miss na my classmates =(
• RATING: GOOD!
DAY 15: March 21, 2009
• Nakasakay si IT mate sa bus air-con – sino nga ba siya?
• Mcdo lunch – Chicken fillet as usual, I forgot lang kung sinamahan ko pa yun ng fries at McFloat.
• Physics exam – 1 lang di sure, naks lang!
• DE exam din – may nasagot naman pero di yun perfect for sure
• English practical exam – not-so-good speech, way below the expectations. Di pa talaga ko sanay pag Extemporaneous speech.
• Naaksidente pa sa Chowking – and dilim kasi, pahamak na mga concrete barriers yan. Sama ng tama sa chest at knee ko. Injured! X-)
• Picture mode with some classmates – sign of pamamaalam
• Kumain sa 7-11 with Sagum Boys and Ariza – had a talk with them about transferring.
• RATING: GOOD!
DAY 16: March 23, 2009
• Take-out lunch sa Sam Li – forgot kung sa Advo or Krune ako kumain
• Walang ginawa sa Eco – nagcheck yung iba ng papers. Ako? Nagtago.
• Moment of truth: Mechanics exam – result: Failed!
• Kumain sa Mcdo – dami kami nun, despedida ko raw
• Nagpaalam kay Melo
• Nakasakay si Anne sa bus – actually, magkasama talaga kami nun, friend siya ni Melo.
• RATING: GOOD!
DAY 17: March 27, 2009
• Thanksgiving Domingo scholars – sentiments
• Nagpaalam kay OSA
• Kakaiba yung feeling sa Dean’s office – parang din a warm, alam na ata na lilipat na ko
• Had a great time with my co-2nd year scholars – the last time
• Last song of BU Hymn – ilang taon ko ring kinakanta yan, lip sync lang pala
• RATING: GOOD!
DAY 18: March 30, 2009
• Punta ng Piel for Gawad Kalinga with my co-5S officers
• Super busog day! – Mcdo, Puto, KFC, Ice Cream at more importantly, libre! Nabudul-budol gang si Ma’am Mercy.
• Nakuha na cards sa Physics, PE at NSTP
• There’s a removal exam for Mechanics tomorrow – need to review
• Bwisit day again with Mariz
• Review sa Mechanics pag-uwi
• RATING: GOOD!
DAY 19: March 31, 2009
• Removal exam fo Mechanics – binawi rin ni Sir, may nagkokopyahan
• Nagpahabol si Sir – pinahirapan kami
• Tres raw ako sa Mechanics according to sir at marami pa siyang sinabi sa akin
• Nasabi ko ito kina Ma’am Mercy, Ma’am Amy, Ma’am Evelyn, Dean at friends
• Nakuha na yung ibang cards – ok lahat pero I’m not happy
• April 3 raw makukuha yung card sa EM – Graduation Day
• Advo meeting – wala pa nga ata sa ¼ ng quorum yung andun eh
• 5S closing – konti lang kami
• Gabi nang nakauwi – nagtagal kasi ko sa office ni Ma’am Mercy, super bigat ng kaloban ko
• RATING: POOR!
DAY 20: April 1, 2009
• Nagpunta sa BU para kausapin si Sir pero honestly, I don’t wanna see him.
• Bonding lang with CEDE – nautusan pang bumili ng lunch ng mga profs a Chowking
• Sa CEDE na rin kumain ng lunch with Ma’am Amy, Ma’am Evelyn, Sir Randy and Dean
• Tambay mode lang buong maghapon sa CEDE
• RATING: GOOD!
DAY 21: April 3, 2009
• I watched the AM Graduation – boring lang, nasita pa ni Ma’am Tayao
• I was kinda shocked because there’s a removal exam today
• I took the exam and 3 ang grade ko
• Kinausap ako ni sir and asked kung ano nangyayari sa akin – Area ng Hexagon!?
• Naawa sa akin – 2.5 ang grade ko
• Medyo nagtagal pa sa BU
• RATING: GOOD!
DAY 22: April 13, 2009
• Nagrequest for Transfer Credentials
• Nagpapirma ng clearance sa 10 different offices including Dean’s office
• Nagbayad pa ng P100.00
• Hot seat sa Guidance – nashock sila sa gagawin kong move
• Sila Sagum lang ang nakasama
• RATING: VERY GOOD!
DAY 23: April 14, 2009
• Chronicle meeting
• There’s a 25% probability to be the new EIC which I don’t want to happen.
• Alam na rin ni Ate Maan na I’m going to transfer.
• RATING: GOOD!
DAY 24: April 22, 2009
• Pumunta sa BU para makuha yung Transfer Credentials
• Nagpamigay muna ng Chicharon sa mga taong tumulong sa akin
• Nakuha ng maayos yung Transfer Credentials
• Na-bully pa ni Jovel sa Info Desk at nakausap rin ni Dra. Joson – “Babalik ka rin.”
• Nag-seat-in sa Mechanics summer class
• Had a mature talk with Lemuel
• Nagkita ni pareng Gene sa bayan before umuwi
• RATING: GOOD!
And that was it! Iyan ang aking narrative report about my last days sa BU. Actually, I am planning also to make a journal about my life here in UP but since it’s late na rin, this is mu 7th week here already, I am going to write na lang a semestral report every semester. It is about sa kung anu-ano yung mga nangyari sa akin sa nagdaang semester.
Honestly, habang ginagawa ko itong blog na ito, nalulungkot ako. It just gave me an opportunity to reminisce all the good memories with my friends there. Darn! I miss them! All of them! Naalala ko tuloy yung mga nilagay ko sa presentation video ko sa youtube. If you want to see them, search niyo lang yung KLY’s Farewell Video to His BU Friends, 5 parts yun.
My next blog would be about my transferring – a personal blog, KLY’s style. Try kong sabihin lahat sa abot ng aking hinagap. As of now, I would like to entitle it as “The Final Verdict: Bakit Ako Lumipat?” Thank you for reading my blog. If this is your first time to read my blogs, you can also read the previous ones. Thank you and good day!
19 July, 2009
“AKO, IBOTO N’YO!” - Karapat-dapat ka ba sa Student Council?
Isa sa mga palagi kong inaabangang event sa school ay ang election ng Student Council. Gusto ko kasing makita yung mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon at yun tipo bang magamit yung karapatan na mamili kung sino ang gusto mong mamuno sa school mo. Syempre, etong sinabi kong ito ay equated din sa pagnanais kong makaboto sa National Elections. 1st time ko kung saka-sakali this coming May. Pero mabalik tayo sa mga Student Council dito sa ating paaralan at unibersidad. Oo, sabik talaga ko pag may ganito kasi maingay, magulo at kung swerte, naaantala yung klase dahil sa mga room campaigns nila. Subalit sa totoo lang, mas mabigat pa rin yung feeling na ayaw ko ng mga ganitong scenario.
Noong high school kasi ko, honor student ako nun at iniiexpect nila palagi na pag honor ka, tatakbo ka ng Student Council. Takot pa ko nun sa tao, nahihiya ko palagi kaya naman yung room-to-toom campaigns na yan, kinakatakutan ko yan. Swerte lang ako nung 4th year kasi part ako ng Student Publication noon at syempre, kapag media ka, bawal ka sa politics. Pero dahil kakabit na ng pagiging honor student ang pagpaparami ng extra-curricular activities, ipinilit ng principal namin na tumakbo pa rin ako kahit Senator lang. Nanalo naman pero sa tingin ko, iyon ay dahil sa status ko nun sa school namin. Keywords: Extra-curricular activities; status.
Nang mapunta na ko ng college, pansamantalang naging MIA (Missing in Action) yung inenjoy kong status nung nasa high school pa ko, o siya siya, sasabihin ko na, yung “kasikatan” ba kumbaga. Sabihan nyo na ko ng mayabang, wala kong pakialam. Blog ko naman to at saka hindi rin naman yun ang purpose ng paggawa ko ng blog na ito. Makikita niyo mamaya kung ano iyon. Back to the topic, di naman nagtagal yung sinabi kong MIA na yun kasi parehas lang yung school ko nung high school at yung pinasukan kong college 2 years ago. Kumbaga, na-carry over lang. Last year, medyo lumaganap na nga yung usapang tatakbo ko ng President ng Student Council. May running mate na nga ko eh saka jingle. “TANG na kayo!” at ang kinakatakutang “TANG-INNA tandem.” Dyan pa lang, nagkatalo na. Di natin maiiwasang isipin na lamado na kami kasi astig yung naisip naming jingle pati tandem, sama na rin natin yung status ko pero lahat ng iyan ay nabalewala nang lumipat ako ng university. Keywords: Missing in Action.
Baka naman isipin nyo na life story ko itong blog na ito, introduction ko lang iyon. Ang totoo, may kaibigan ako na naglalayong mulatin yung mga kaisipan ng mga estudyante pagdating sa mga Student Council na yan at suportado ko siya kasi malinis yung intesyon niya at hindi rin naman siya pulitiko sa paaralang iyon. Concerned citizen lang siya pero para sa akin, mas kailangan yun ng isang paaralan o student body kaysa sa mga estudyanteng tumatakbo sa mga elections na yan na ang totoo, above all, personal interest pa rin nila yung iniisip nila. Asa pa kayong kayo iniisip nung mga yan. Kaya nga napa-thank you ako nung nakaalis ako sa dati kong university. Atlis, nabawasan yung magagawa kong kasalanan. I’m asking myself kasi kung sakaling tatakbo nga ko, bakit ko naman gagawin yun? Kasinungalingan pag sinabi kong for the welfare if the students ang reason. Sa totoo lang, mapapataas ko lang yung status ko pag ganun, may medal pa sa graduation, plus factor sa bio-data at sankatutak na leadership seminars na hindi naman development ang habol kundi yung feeling na nakapunta ka sa lugar na iyon. Masyado ba kong matapang o hambog sa mmga sinasabi kong ito? Wala kong pakialam. Di naman ako pinanganak para i-please kayo eh. Keywords: personal interest.
Dumako na tayo sa mga tumatakbo na yan. Kung ako sa inyo, pag nagka-campaign sila sa rooms niyo, wag niyo silang tanungin tungkol sa platforms nila. Unahin nyo yung tanong na, “Bakit po ba kayo tumatakbo?” Eh kasi kung tutuusin, hassle lang yan eh. May report ka, ipapasang project, defense na kailangang pagplanuhan etc. tapos isasabay mo pa yang “dedication” mo sa Student Council, di ba? Doon pa lang, nagkatalo na. Syempre ang isang normal na estudyante eh uunahin muna ang sarili bago ang lahat kaya kung pipili kayo ng iboboto niyo, siguraduhin niyong yung maraming time para naman kahit papaano eh makikita niyo siya sa office. Hindi yung kung nasaan mang lugar na related sa Acads niya. Keywords: dedication, Acads.
Ano nga ba ang real intention ng isang estudyante kung bakit siya tumatakbo sa mga ganyang bagay? Simple lang, something personal. Paki ba niya kung bagsak ka sa EEE o sa isa mong GE, di ba? Totoo naman yung sinasabi nilang, makabubuti yan sa kanila kasi nadedevelop nga naman talaga sila sa ilang aspeto. Physical: kailangang pogi o maganda para dagdag points. Intellectual: pag matalino ka, shoo-in ka na! Social: dapat friendly ka kahit di mo ka-close, kausapin mo! Lambingin mo! Emotional: syempre, paawa effect kung minsan. Moral: bait-baitan ang drama. Tulong dito, tulong doon. Lastly, spiritual: Todo-dasal every night na sana manalo sa election. Ma-iimprove nga naman talaga yung leadership skills nila kaya ganun pero parang may missing. Nasaan ang student body? Layunin nga ba talaga nilang makatulong? Teka, let me rephrase that one. Layunin nga ba talaga nilang makatulong sa mga estudyante?
Hindi naman sa sinisiraan ko yung mga tumatakbong iyan pero di na rin naman talaga natin maiaalis yung ganyang attitude eh. Going national, tingin mo ba yung oposisyon na yan eh mahal ang bayan kaya nakikiisa sila sa pagtuligsa sa CHA-CHA? Hindi! Kasi ang totoo, gusto naman nilang sila naman ang humawak ng gobyerno para makakaurakot na rin sila. Inggit lang sila sa administrasyon. Going local, dun tayo sa mga ka-level natin. Yang mga SK na yan, bakit sila tumakbo? Dahil sa sweldo at scholarship, di ba? Nakakakurakot din sila in their own simple way. Kahit naman tayo eh, mga simpleng mamamayan, kurakot din tayo sa sarili nating paraan eh. Kaya nga nakakapalan na rin ako sa iba na masyadong makayurak kay Gloria dahil sa pagiging kurakot raw niya. Eh pare-parehas lang naman tayo eh. Isa pa, eto pinaka-ayokong linya tuwing eleksyon: “Di na ko boboto, wala namang nangyayari eh” tapos after a while, sasabihing, “Wala namang nagawa yung pangulo na yan eh, wala namang nagbago eh! Mahirap pa rin kami.” Ulol! Eh hindi ka nga bumoto tapos may gana ka pang sabihin yan. Eh kung sana bumoto ka pati na rin yung mga katulad mo, eh di sana iba nanalo. Saka di rin naman madali ang magpatakbo ng isang bansa eh. Ilan tayong kailangang pakainin ni Gloria tapos sa kanya mo iaasa ang lahat? Knug di ka umunlad, kasalanan mo rin iyon, di lang niya. Ang susi lang naman kasi para umunlad tayo eh nasa sa atin din eh. Kung kikilos tayo, magsisikap at magkakaisa, e di ok sana! Eh sa halip eh watak-watak tayo eh. Pano tayo uunlad niyan!?
Ok, tama na. Bumalik na tayo sa talagang topic natin. Minsan kasi pag sinabi nilang matalino eh ok na. Siya na yung iboboto. Magbigay na lang tayo ng example: nung date kasing nagkaroon ng election sa amin, para kasing sinasabi ng mga prof na kung ihahambing daw yung dalawang presidentiables, eh mas matalino raw itong si A kaysa kay B. Sa loob-loob ko, di naman talaga sukatan yung talino eh. Kung ako kasi tatanungin, oo nga lamang sa talino si A pero lamang naman sa gawa si B. Kanino ka pag ganun? Matalino nga siya pero di naman tayo sure kung marami siyang magagawa. Si B naman na lamang sa gawa eh di naman nangangahulugang tanga na porket mas matalino sa kanya si A. Kaya nga marami yung ibinoboto eh kasi nga team effort yung pagpapalakad ng isang council, di lang siya one-man team.
Keywords: talino.
Sa labanan ng mga beterano at baguhan, delikado tayo diyan. Beterano nga sila, pero may nagawa naman ba sila? Meron siguro pero ang kailangan ng student body siguro eh yung may malaking impact sa kanila, hindi yung pang isang lingo lang. Baguhan nga sila, e di ibig sabihin may bago na naman tayong pag-asa pero sure ka naman bang kaya nila? Novice pa lang sila at sa kanila mo iaatang yung isa sa mga mabibigat na tungkulin bilang estudyante? Mahirap talagang bumoto nang matino. Kasi kung tutuusin, napakadali lang kayang bumoto. Isusulat mo lang naman yung pangalan nila. Kapag tamad ka, e di yung maikli na lang yung pangalan ang isulat mo. Ganun din sa pagpili, kung sino ang kakilala at kaibigan, siya na ang iboboto. Masama pa nga nito, kung sino maganda, yung mga pa-cute, eh sila pa nananalo. Sana naman di porket kakilala mo lang eh, siya na ang winner sa’yo. Di porket parehas lang kayo ng course eh siya na ang Knight in Shining Armor mo. Dapat marunong kayong magtimbang. Kung baboy yan, syempre mas pipillin mo yung mas mabigat at malaki kaysasa maliit pero ang di mo alam, mas may laman naman pala talga yung di mo pinili. Ganun din sa pagboto, di porket sikat, artistahin eh siya na ang pipiliin. Di naman sa sinasabi kong wala silang “K” pero ingat lang sa pagpili. Di dapat iyon ang basehan sa pagpili ng iboborong kandidato.
Isa pa, alamin mo rin kung ano ba talaga ang intension nila kung bakit sila tatakbo. Gusto lang ba nilang magka-award sa graduation kaya ganun? Magbibigay ako sa inyo ng dalawang example: Una, may isang natalong kandidato dati nun sa presidency at katatalo pa lang niya eh sinisiraan na kagad niya yung nanalo. Wala raw magagawa. Sinabihan pa ngang makapal yung nanalo pag tinanggap niya yung Leadership Award sa Graduation tapos wala naman siyang nagawa. Una sa lahat, bitter siya kasi di pa man nagsisimula yung termino ng nanalo eh hinuhusgahan na kaagad at ikalawa, inggit siya kasi may award yung kalaban niya. Eh di lumabas ang totoong intension. Medal lang pala ang gusto kaya tumakbo. Isa pang example, isang honor tinalo ng isang ewan ko ba kung anong uri siya ng estudyante. Tama rin naman yung ginawa ng mga estudyante sa pagboto nila kasi alam nilang kaya lang naman tumatakbo sa pagkapresidente si honor student eh dahil kailangan iyon pag nagkompyutan na ng mga grades. Ilan lang yan sa mga madidilim at tinatagong intension ng mga Student Council wannabe’s kaya ingat lang at pigain niyo naman sila para makita niyo kung sino yung marumi at malinis talaga.
Idagdag ko lang ito. Dati kasi akong writer ng Student Publication namin at ang kadalasang ibinabato sa amin eh bakit daw hindi namin tantanan ang council sa paninira sa kanila. Ang sa akin lang, hindi kami ang gumagawa ng kasiraan nila. Sila iyon. Bilang writers, responsibilidad namin ang isulat ang kung anuman sa tingin namin ang hindi tamang nangyayari sa paligid. Kung ako sa nga sa council, mas gaganahan pa kong maglingkod kasi once na nakagawa kami ng maganda at minahal ng mga estudyante, pahiya lang yung mga writers na yan, di ba? Pero ang sa amin lang, trabaho lang po, walang personalan. Dapat nga siguro magpasalamat pa ang mga tao sa mga writers ngayon kasi kung di dahil sa mga yan, walang matapang na gagawa ng kasamaan o pandaraya kasi takot lang nila. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ako lumipat ng university. Walang press freedom. Innisip kasi nila yung status ng school pero sa totoo lang, may ilang flaws yung system nila na dapat i-address.
Ok na siguro to. Ang haba na ata ng nagawa ko eh. Kung may nakalimutan man ako, ihahabol ko na lang. 1st time ko rin atang gumawa ng blog sa Tagalog, takot na ba sa English? Hehe, hindi naman. Kapag kasi gusto kong mai-express ng maayos yung pananaw ko, Tagalog ginagamit ko kasi mas naiintindihan pag Tagalog para malinaw yung point of view na gusto kong ipasa sa readers. Comment lang kayo kung gusto niyo. Kung sa tingin niyo eh medyo taliwas yung pananaw natin sa ilang bagay, feel free to post it here. Mas ok pag nagsasalita tayo kaysa naman kung kelan tumalikod saka tinira. Ikaw pa lumabas na masama nun. Hehehe. Medyo natagalan nga pla yung pinangako kong blogs. Naging busy kasi masyado. Yun kasing mga blogs na iyon eh tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ako lumipat at kung anu-ano yung mga ginawa ko sa dati kong paaralan sa huling isang buwan ko doon. KLY’s Last 28 days there kumbaga.